Nakalusot na sa appropriations committee ng kamara ang panukalang magbibigay ng libreng annual o taunang medical check-up sa mga Pilipino.
Sang-ayon sa House Bill 4093, mangangailangan ito ng P5-bilyon hanggang P10-bilyong pondo para tuluyang maipatupad.
Posible namang kunin sa PhilHealth ang ipopondo rito.
Mababatid na oras maisabatas ang naturang panukala, magiging libre na ang pagpapakuha ng blood sugar, cholesterol tests at iba pa na makukuha sa mga pampublikong ospital.