Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang bill na layong magkaloob ng libreng tuition sa mga estudyante sa State Universities and Colleges at iba pang private learning and vocational institutions.
Labingwalong Senador ang bumoto pabor sa Senate Bill 1304 o “free higher education for all act” na ini-akda at inisponsoran ni Senator Bam Aquino.
Alinsunod sa panukala, titiyakin nito ang magiging libre ang edukasyon sa kolehiyo ng mga walang kakayahang magbayad ng matrikula pero nararapat namang mga estudyante sa pamamagitan ng subsidies at financial assistance ng mga SUC.
Umaasa naman si Aquino na tataas ang bilang ng mga makapag-aaral at magtatapos ng kolehiyo sa oras na maging ganap na batas na ang kanyang panukala.
By: Drew Nacino / Cely Bueno