Isinumite na ng Presidential Legislative Liaison Office sa Kongreso ang bersyon ng executive branch ng panukalang batas na lilikha ng Department of Disaster Resilience.
Ito’y sa gitna ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng isang opisyal na mangunguna sa disaster management.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, layunin ng panukala na matutukan ang mga kalamidad tulad ng lindol at bagyo.
Sa ilalim ng Republic Act 10121, tungkulin ng Inter-agency National Disaster Risk Reduction and Management Council ang policy-making, coordination, integration, supervision, monitoring at evaluation.
Gayunman, ang responsibilidad ng NDRRMC ay pinaghahatian ng iba’t ibang lead agencies kaya’t lumalabas na walang nangangasiwa sa overall disaster resilience.
—-