Nagbigay suporta si Tarlac Rep. Noel Villanueva sa panawagan ng League of Provinces of the Philippines na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga Alkalde, Gobernador maging sa low risk areas.
Ayon kay Vilalnueva, maituturing na frontline workers ang mga lokal na opisyal sa mga lungsod.
Dagdag ni Villanueva, nararapat lamang na isama sa listahan ng mga prayoridad sa pagbabakuna ang mga opisyal sa munisipalidad at lungsod hanggang lalawigan.
Maging aniya ang mga tanod ay dapat isama sa listahan ng mga babakunahan dahil sa ginagawang trabaho ng mga ito.
Samanatala, nanawagan ito na kailangan ng bilisan ng gobyerno ang pagbabakuna upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.—sa panulat ni Rashid Locsin