Lusot na sa committee level ng Senado ang panukalang batas na magbibigay ng proteksyon sa mga mahistrado sa bansa.
Sa ilalim ng naturang batas, bubuuin ang Philippine Marshals Service Unit para magsagawa ng imbestigasyon sa mga posibleng banta sa buhay ng mga mahistrado.
Ayon kay Senador Richard Gordon, ang unit ay pamumunuan ng Office of the Court Administrator.
Magugunitang pumalo na sa 31 ang bilang ng mga mahistradong napapatay mula noong taong 1999.