Inihain na ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang panukalang mabigyan ng emergency power ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Naniniwala si Salceda na kailangan ang dagdag na kapangyarihan para sa pangulo upang matapos ang lahat ng mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program bago siya bumaba sa puwesto sa 2022.
Positibo naman ang tugon ng Malakaniyang sa nasabing panukala ni Salceda.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo malaking tulong ang emeregency powers lalo na sa usapin ng road right of way na pangunahing problema sa pagsasagawa ng mga kalsada.
Tiwala si Panelo na kapag nabigyan ng emergency powers maaaring makamit ng pangulo ang layunin na matapos ang ilan sa flagship projects ng Build, Build, Build sa pagtatapos ng kaniyang termino sa 2022.