Hinimok ng Department of Energy si Pangulong Rodrigo Duterte na madaliin na at sertipikahan na bilang urgent ang panukalang mag-a-amyenda sa oil deregulation law.
Ito ang inihayag ni Energy Assistant Secretary Gerardo Erguiza makaraang magsumite na ang DOE ng liham sa presidential legislative liaison office para sa kanilang hiling.
Ayon kay Erguiza, paraan ito upang masolusyonan ang walang patid na taas-presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa manipis na global supply at mataas na demand.
Hinikayat din ng kagawaran ang Kongreso na amyendahan na ang batas upang maaari nang mamagitan ang gobyerno sa tuloy-tuloy na price increase ng petrolyo.
Nais anyang isingit ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa aamyendahang batas ang probisyong magbibigay kapangyarihan sa DOE Na suspendihin ang implementasyon ng oil excise tax sa ‘abnormal conditions’.
Sa pamamagitan nito ay maaaring tapyasan ng P6 hanggang P10 ang kada litro ng presyo ng gasolina. — Sa panulat ni Drew Nacino