Haharangin ni Albay First District Congressman Edcel Lagman ang pagbuhay ng kongreso sa death penalty batay na rin sa kagustuhan ni incoming President Rodrigo Duterte.
Kumbinsido si Lagman na marami rin sa mga bago at maging ang mga re-elected congressmen ang tutol sa pagpapanumbalik ng parusang kamatayan.
Binigyang diin ni Lagman na hindi epektibo ang death penalty para mapigilan ang krimen.
Maliban dito, rehabilitasyon anya ng mga kriminal ang pinakapakay ng penology upang makabalik at maging kapaki pakinabang sila sa lipunan.
Una rito, sinabi ni incoming President Rodrigo Duterte na gusto nyang maibalik ang parusang kamatayan, hindi para pigilan ang krimen kundi bilang parusa sa mga kriminal.
Bahagi ng pahayag ni Albay First District Congressman Edcel Lagman
By Len Aguirre | Ratsada Balita