Isinusulong sa Kamara ang isang panukala na magbabawal sa pag-angkat at pagluluwas ng lahat ng uri ng basura sa bansa.
Layon ng House Bill 9207 na ipatupad ang total ban ng importation at exportation ng basura dahil napakarami ng basura ang nalilikha mismo sa Pilipinas at hindi na nakakabuti sa kapaligiran.
Giit ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy, naghain ng nasabing panukala, wala ng mapaglagyan ang basura ng mga Pilipino at dagdagan pa ito ng mga basura galing sa ibang bansa.