Isinulong ngayon ng isang Kongresista ang Panukalang Batas na magbabawal sa pagdadala at paggamit ng cellphone habang nasa loob ng klase.
Sa House Bill 662 o “No Cellphone During Classes Act” na inihain ni House Committee on Ways and Means chair Joey Salceda, layunin nitong ipagbawal ang paggamit ng cellphones at ibang digital devices sa mga mag-aaral.
Kabilang sa masasakop ang mga estudyante sa Private and Public Kindergarten, Elementarya, Sekondarya kabilang ang Senior High School.
Nakapaloob rin sa naturang panukala ang pagtatatag ng ‘Device Depositary Office’ ng bawat paaralan na magsisilbing deposit area ng mga estudyante ng kanilang mga cellphone at gadgets pagpasok ng paaralan.
Sa oras na maisabatas, naniniwala si Salceda na malaki ang magiging benepisyo dahil mawawala na ang abala o istorbo sa klase.