Ikinasa na ng House Committee on Ways and Means ang panukalang magbibigay ng 20% discount sa mga bayarin ng mga health workers sa mahigit 42K Barangay.
Ayon kay 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng komite, pinagtibay na ang “substitute bill” o kapalit ng ilang panukalang batas na nagsusulong sa “magna carta for Barangay health workers o BHWS act.”
Kabilang sa bayarin ng BHWs ang mga gastusing pangkalusugan, public transportation, restaurant, hotel accomodation, sinehan, burol at paglilibing sa mga namatay.
Sa ibang mga panukala ay nakasaad lamang ang 10 % discount at “value-added tax exemption sa mga BHW.
Binigyang diin ng kongresista na ang karagdagang probisyon ay nagbibigay ng malasakit sa sakripisyo ng mga naturang manggagawa lalo’t mababa lamang ang suweldo ng mga ito.—sa panulat ni Drew Nacino