Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill Number 8885.
Layon ng naturang panukala na magbigay ng 20 porsiyentong diskuwento sa pasahe ng mga estudyante sa lahat ng uri ng transportasyon gaya ng bus, jeep, taxi, tricycle, tren, eroplano at mga sasakyang pandagat.
Kailangan lamang magpakita ng katibayan gaya ng ID o identification card ang isang estudyante para ma-avail ang discount oras na maipatupad na ang nabanggit na panukala.
—-