Isinusulong sa Kamara ang panukalang magbibigay proteksyon sa mga empleyado ng Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
Sa ilalim ng House Bill 5754 na isinumite ng Makabayan Bloc, magkakaroon ng ilang mga benepisyo ang mga naturang empleyado.
Kabilang dito ang maayos na sahod, security of tenure, sapat na oras ng break, medical benefits at karapatang magtayo ng isang union.
Nakasaad din sa bill na tumaas ang bilang ng mga BPO workers na nagkakaroon ng malalang sakit dahil sa sobra-sobrang pagtatrabaho.
Bukod dito, pinatitiyak din ng panukala na mayroong maayos na working environment ang mga BPO employees.
Magugunitang pangalawa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamalaking BPO industry sa buong mundo. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)