Inihain na ni Senador Panfilo Lacson ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng Philippine Judicial Marshal Service na siyang magbibigay ng proteksyon sa mga miyembro ng hudikatura.
Ayon kay Lacson, kinakailangan nang matiyak ng kongreso ang kaligtasan ng mga opisyal at tauhan ng judiciary upang magawa nila nang maayos at walang pangamba ang kanilang mga trabaho.
Mismong si Chief Justice Diosdado Peralta aniya ang nagbigay diin sa pangangailangan na magkaroon ng court marshals na magsisilbing law enforcement arm ng korte.
Batay sa datos, pumapalo na sa 31 ang mga miyembro ng hudikatura na napaslang sa loob ng 20 taon, kung saan lima ang ay napatay sa administrasyong Duterte.