Isusulong ng ilang kongresista sa 18th Congress ang panukalang magde deklara sa mga water concessionaires bilang public utility.
Ito ayon kay Party List Coalition Secretary General Bernadette Herrera-Dy ay dahil mabagal o walang ginagawa ang mga regulator sa nasabing usapin.
Sinabi ni Dy na dapat lamang panghimasukan na ng gobyerno ang sitwasyon dahil patuloy na nakakaranas ng water service interruptions ang ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa kakulangan ng supply ng tubig.
Bukod sa water concessionaires, inihayag ni Dy na aalamin niya kung posibleng maging subject din sa public utlity classification ang ilang electric cooperatives dahil sa madalas ding nararanasang blackout sa ilang bahagi ng bansa.
Dapat din aniyang tingnan kung kailangan na rin ng Energy Regulatory ommission na ibalik ang rate of return base sa maximum na 12 percent.