Hindi isinasantabi ng Department of Transportation ang posibilidad ng paglalagay ng cable car system upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko, lalo sa Metro Manila.
Ayon kay transportation secretary Jaime Bautista, bukas naman ang gobyerno sa panukala ni senador Robin Padilla na maglagay ng cable car.
Sa katunayan anya ay may mga pag-aaral na noon ang DOTr sa nasabing plano at ginagamit na rin naman ang cable cars bilang urban transport sa ilang bansa sa Latin America.
Inatasan na ni Bautista ang kanyang Undersecretary for Road Transport and Infrastructure na pag-aralan ang suhestiyon ng senador.
Matatandaan sa ilalim ng Duterte administration ay nagsagawa ang DOTr ng French government-funded feasibility study sa pagbuo ng cable car system sa pagitan ng Marikina at Pasig.