Itinutulak ni Manila Teachers party-list Rep. Virgilio Lacson ang panukalang magtayo ng ospital para sa mga guro at estudyante.
Sa House 2809 o ang panukalang Philippine National Hospital for Teachers and Students Act, binigyang diin ni Lacson ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga guro sa lipunan.
Nakasaad sa naturang panukala ang paglalaan ng P20 bilyong inisyal na pondo para maprotektahan ang mga guro sa anumang estado.
Ayon kay Lacson, ang bawat ospital ay mayroong kakayahan na tumanggap ng 500 pasyente at may sariling isolation at quarantine facility na magagamit upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 lalot nalalapit na ang pagbabalik ng face-to-face classes ng mga mag-aaral sa Agosto a-22.