Lusot na sa senado ang panukalang magpapabilis sa pagpapaggawa ng gobyerno ng mga kalsada, tulay at riles.
Ang Senate Bill 3004 ay counterpart ng panukala sa Kamara na paluwagin ang mga patakaran sa pagkuha ng road right of way.
Nakapaloob sa panukala ang mas maliwanag na patakaran para sa appraisal at mas mabilis na pagbabayad ng gobyerno sa pribadong lote na kailangang bilhin dahil dadaanan ng infrastructure projects ng gobyerno.
Bibigyan ng gobyerno ng mas malakas na poder para sa expropriation proceedings o pagkuha ng right of way kapag ayaw ibenta o isuko ng private owners o mga squatter ang lupaing kailangan ng gobyerno.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)