Muling binuhay sa Kamara ang panukalang batas na magtatakda ng regulasyon para sa mga may-ari ng carpark o garahe dahil sa patuloy na pagtaas ng singil sa mga motorist.
Ayon kay Parañaque Rep. Joy Tambunting, layon ng House Bill 1037 na i-regulate ang pagpapataw ng mga parking fees kabilang na sa mga shopping mall at institusyon ng pamahalaan.
Nakapaloob sa panukala na papanagutin ang mga may-ari ng carpark sakaling masira, ma-carnap o mawalan ng gamit ang mga car owners sa loob ng pay parking area.
Dapat ding tiyakin ng mga carpark operators at owner na ligtas at protektado ang mga ipinaparadang sasakyan ng kanilang mga kliyente at kailangan ding magtalaga ng espasyo para sa mga PWDs o Persons with Disabilities.
(with report from Jill Resontoc)