Hindi palalampasin ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ang mga basher nito na nagpapakalat ng maling balita laban sa kaniya.
Sa panayam ng DWIZ kay Revilla, sinabi nito na hinihintay na lamang nila ang resulta ng imbestigasyon ng pulisya at nbi batay sa makakalap nilang ebidensya.
Magugunitang nabiktima ng fake news si Revilla nang kumalat ang balitang yumao na ito matapos naman siyang magpositibo sa COVID-19 noong Agosto.
Maliban sa planong pagtataas ng parusa sa cyberbullying, kapwa na sila naghain ni Senate President Vicente Tito Sotto III ng panukalang batas na magpaparusa sa mga nagpapakalat ng disinformation sa social media.
Nakakasakit na, yung iba nagpapakamatay because of this dahil sa mga ginagawang paninira sa pamilya nila or sa kanila man, kung sino man yung naapektuhan nitong mga fake news na ito, na minsan hina-harass sila, hino-hostage sila in a way na may pang-blackmail ‘yun yung ginagamit sa social media, yung mga ganyan. Marami ng naapektuhan o namatay because of that,” ani Revilla. — panayam mula sa Usapang Senado.