Lusot na sa ikatlo’t huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na magpapataw ng buwis sa digital transaction sa foreign Digital Service Providers (DSP) gaya ng Netflix at Spotify.
Sa botong 253-4 at 1 abstention, inaprubahan sa plenaryo ng mababang kapulungan ng kongreso ang House Bill 4122, na magpapataw ng 12% Value-Added Tax sa digital transactions sa bansa.
Gayunman, nakasaad sa bill na 5% lamang ang ipapataw sa mga DSP ng gobyerno.
Exempted naman sa buwis ang Educational Services na subscription-based ang purchasing at rendering services.