Lusot na sa committee level ng Senado ang panukalang batas na naglalayong magtalaga ng mobility o ‘traffic czar’.
Ang Mobility Act of 2019 o Senate Bill 1157 ay alternatibong panukalang batas kapalit ng hirit na emergency power na inurong na ng Malakanyang.
Sa ilalim ng naturang batas, pangungunahan ng itatalagang ‘traffic czar’ ang pagresolba sa transport at traffic crisis sa Metro Manila, Metro Cebu at Davao City.
May kapangyarihan itong bumuo ng action plan, magpakilos ng mga ahensiya ng gobyerno para sa pagpapaluwag ng trapiko, paglalagay ng bagong ruta ng jeep at bus, magpagawa ng pangmabilisan at pangmatagalang infrastructure project at iba pa.