Inaprubahan na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magtatatag at magbibigay ng serbisyo sa mga learners with disabilities.
Sa botong 197 pabor at walang tumutol ay nakalusot na sa kamara ang House Bill 8080 na layong isulong ang inclusive education at magtatag ng inclusive learning resource centers sa bawat paaralan sa bansa.
Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, itatatag dito ang isang Inter-Agency Coordinating Council on Learners with disabilities bilang attached agency ng Department of Education (DepEd).
Tutukuyin naman ng DepEd sa pamamagitan ng masusing pananaliksik ang disenyo ng programa na makatutugon sa pangangailangan ng mga learners with disabilities.