Isinusulong ng isang mambabatas ang panukalang magtatanggal sa mandatory retirement age na 65 taong gulang sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Senior Citizens Partylist Representative Congressman Rodolfo “Ompong” Ordanes na maaari pang magtrabaho ang mga may edad na sa loob ng siyam na oras batay sa isinusulong niyang House Bill (HB) 3220 basta’t kaya pa ng mga ito.
Samantala, sinabi pa ni Ordanes na ang kontribusyon naman ng mga manggagawang senior citizen sa Social Security System (SSS), Philhealth, at Pag-Ibig, ay ikakaltas na lamang sa kanilang Internal Rate of Return (IRR).
Habang tuloy naman ang pensyon ng mga nakatatandang manggagawa. – sa panulat ni Hannah Oledan