Isinusulong sa Senado ang panukalang batas na magtuturing na child abuse ang “child marriages” sa bansa.
Layon ng Senate Bill 162 o ang “Girls Not Brides Act of 2019” na ipagbawal na ang “child marriage”.
Ang sinumang magbibigay ng basbas o kukunsinti sa pagpapakasal ng bata ay mapapatawan ng parusang “prison mayor” at multa na hanggang 50,000 piso.
Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, naghain ng panukala, ang Pilipinas ang pang 12TH sa buong mundo sa usapin ng “child brides” sa bilang na 726,000.
Bunga aniya ng child prostitution at mail order bride ang ilang kaso ng mga batang ipinapapakasal.