Isasangguni na ng economic managers sa mga senador sa Enero 30 ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).
Ito ang sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kasunod ng paghahain ni Senador Mark Villar ng panukala na ipinaabot sa Committee on Banks, Financial Intermediaries, at Currencies.
Ayon kay Villanueva, ipapaliwanag nila sa mga senador ang layunin ng panukalang batas, pinagkukunan ng pondo, at kung posible ang paglikha nito kahit walang bagong batas.
Batay sa kaniyang obserbasyon, sinabi ng majority leader na bukas ang kaniyang mga kasamahan na pag-usapan ang panukala hindi gaya dati na pawang negatibo.
Noong Disyembre nakaraang taon nang sertipikahang urgent ni ang panukala, dahilan para aprubahan ito ng kongreso sa Pangulong Ferdinand Marcos Junior ikalawa at ikatlong pagbasa.
Kabilang sa mga may-akda ng panukalang batas ay sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at Ilocos Norte 1st District Representative Ferdinand Alexander Marcos The Third. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)