Aprubado na ng kamara sa botong 284-0 ang panukalang makatutulong sa pagtugon sa epekto ng climate change sa bansa.
Aamyendahan ng House Bill 7754 ang Section 43 ng Presidential Decree 705 o “Revised Forestry Code of the Philippines” upang mapaikli ang paghihintay para muling mataniman ng puno ang mga inabandonang fishpond.
Mula sa limang taon ay gagawin na lamang itong tatlong taon.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa ilalim ng bill ay inaatasan ang Department of Agriculture at Department of Environment and Natural Resources na maglabas ng guidelines para sa implementasyon nito.
Ang panukala ay inihain nina Agusan del Sur representatives Alfelito “Alfel” Bascug at Eddiebong Plaza, at Bulacan Rep. Linabelle Ruth Villarica.
Ang House Committee on Natural Resources na pinamumunuan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang tumalakay sa nasabing bill.