Isinusulong ni Senador Grace Poe ang paglalaan ng 3% ng nakokolektang buwis ng gobyerno bilang pondo sa paghahanda, pagtugon, rehabilitasyon at pagbangong mula sa kalamidad.
Ayon kay Poe sa dami ng tumatamang kalamidad sa bansa kailangang magkaroon ng regular na alokasyon at hindi u ubrang taas baba ang pondo para rito kada taon.
Dahil dito inihain ni Poe ang Senate Bill 124 o panukalang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act na naglalayong lumikha ng Department of Disaster Resilience and Emergency kung saan ilalaan ang 3% ng regular na nakokolektang buwis kada taon at bawal bawasan, isalin o ilipat.
Una nang pinuna ni Poe ang pagbaba ng alokasyon ng gobyerno sa calamity fund nito.