Aprubado na sa Senate Committee on Higher Technical and Vocational Education ang panukalang sumailalim sa Reserve Officers Training Corps (ROTC) ang mga kabataang estudyante sa kolehiyo.
Sa inaprubahang panukala sa committee level, mga first at second year college students ang oobligahing sumailalim sa mandatory ROTC.
Ayon kay Senator Ronald dela Rosa, ilalagay sa babalangkasing batas na babae at lalaking estudyante ang sasailalim sa mandatory ROTC.
Hindi anya bibigyan ng diploma ang mga estudyanteng hindi sasailalim sa nasabing training.
Sinabi ni dela Rosa na nais sana ng ilang proponents ng panukala na isama sa mandatory ROTC ang mga nasa Senior High School Students pero malaki pa ang kakailanganing budget para dito.
Magtutulungan ang Commission on Higher Education at Department of National Defense para matiyak na maayos na maisasailalim sa training ang mga kabataan.
Tiniyak naman ng Senador na mahigpit na ipagbabawal ang anumang hazing at pang-aabuso sa mga sasailalim sa ROTC lalo na sa mga kababaihan.