Iginiit ni Senador Francis Tolentino na nakalinya sa Saligang Batas ang kaniyang ipinasang panukala na Mandatory Service Professionals ng mga doktor, inhinyero at iba pa tuwing may kalamidad.
Paliwanag nito, hindi maaaring tumanggi ang mga tinawag na propesyonal sa naturang mandatory service maliban na lamang kung mayroon itong sapat na dahilan.
Magkakaroon kayo ng ‘call to active duty’, tatawagin kayo, siguro kung mayroong sapat na dahilan —may karamdaman, pero mandatory po ‘yun, e, hindi ka makakatanggi doon, limited period lang naman, hindi naman permanent,” ani Tolentino.
Dagdag pa ng senador, magpapakita ito ng bayanihan ng mga Pilipino tuwing may tumatamang kalamidad sa anumang parte ng bansa.
Pagpapakita rin po ito ng ating bayanihan spirit, at ‘yun talagang kailangan nating manpower ay mayroon —mayroon, hindi ito mawawala, sa Metro Manila lang ang daming structural engineers,” ani Tolentino. — sa panayam ng Ratsada Balita