Binuhay ni Senate President Vicente Sotto sa 18th Congress ang panukalang batas na naglalayong ibaba sa dose ang minimum age of criminal responsibility.
Sa ilalim ng senate bill number 5, papanagutin na sa nagawa niyang krimen ang may edad 12 pataas kung mapapatunayang naunawaan na nito ang kanyang ginawa.
Samantala, nakapaloob rin sa panukala ni Sotto na ang mga batang may edad 9 hanggang 12 anyos na nakagawa ng krimen ay dapat ipasok agad sa bahay pagasa youth center.
Hinihiling rin nito sa pamahalaan na pondohan ang pagpapagawa ng mga rehabilitation centers para sa mga kabataang nakakagawa ng krimen.
Matatandaan na isa ang panukalang ito sa priority bills ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong 17th Congress subalit umabot lamang sa committee level dahil sa kakapusan ng oras at pagtutol dito ng ilang senador.
(with report from Cely Ortega- Bueno)