Hindi lamang sa pagbabalik ng P4,000.00 mandated net take home pay ng mga guro nagtatapos ang paggigiit ng Teachers Dignity Coalition o TDC na masaklolohan ang mga gurong may malalaking utang partikular sa GSIS.
Sinabi sa DWIZ ni Benjo Basas, pangulo ng TDC na isang konsultasyon at diyalogo ang dapat isagawa para tuluyang masolusyunan ang pagbabayad ng loan sharks ng mga guro na halos nasa P200.00 na lamang umano ang take home pay ng karamihan.
Ayon pa kay Basas, handa silang makipag-usap sa mga kinauukulan para magkaruon ng relief ang mga guro mula sa mga loan sharks ng mga ito.
Sabi po namin, hangga’t maaari po itakbo na ‘yang deductions ng below mandated net take home pay na pinakinggan naman nila.
Tapos magsagawa ng malawak na konsultasyon na diyalogo kung saan kami ay handing umupo, mag-propose.
In fact, meron na kaming proposals dito sa ating gobyerno para hindi ito lumala… sa tingin namin [ito] ay dapat na i-consider ng ating pamahalaan.