Pasado na sa ikatlo’t huling pagbasa sa Kamara ang panukalang Mental Health Act .
Dalawandaan dalawampu’t tatlong mambabatas ang pumabor para sa pagpasa ng House Bill 6252 o Comprehensive Mental Health Act habang walang kumontra at nag-abstain.
Magugunitang inihayag ng isa sa mga principal author ng bill na si Deputy Speaker at Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo na layunin ng naturang panukala na matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayang maysakit sa pag-iisip gaya ng depression, bipolarism at schizophrenia.
Sa ilalim ng panukalang batas, patatatagin ang Philippine Council for Mental Health, tutukuyin ang mga karapatan ng mga taong may mental illness at magkakaroon ng access sa mental health services ang mga drug dependent.