Bigo umanong maging “game changer” ang Mobile Number Portability (MNP).
Ito’y ayon kay House Assistant Minority Leader at act Teachers Partylist Rep. France Castro, taliwas sa inaasahan ng maraming telco industry stakeholders.
Sinabi ni Telecommunications Connectivity Inc. (TCI) Head Melanie Manuel, na dating empleyado ng PLDT, na mahigit 1,000 lamang mula sa 100 million users “ang matagumpay na nakalipat sa kanilang bagong networks” at hindi nagbigay ng pagtaya sa kung ilan pa ang inaasahang lilipat.
Naniniwala si Castro na ang tila pagkabigo ng MNP na matukso at mahikayat ang mga user na lumipat ng network ay dahil naging irrelevant na ang MNP, maraming Pilipino na ang may dual sim, karamihan ng customers sa bansa ay prepaid na at marami ang Pinoy ang naging loyal na sa kanilang brand lalo na kung nasiyahan na ito dito.
Sa pagpapatupad ng mnp ay inaasahang darami ang subscribers ng DITO Telecommunity dahil pinapayagan nitong lumipat ang mga customer sa ibang network na hindi binabago ang kanilang number.