Aprubado na ang Bicameral Conference Committee report kaugnay sa Bureau of Fire Protection o BFP modernization bill sa Senado.
Ito’y matapos paburan ng 14 na Senador kabilang sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senator Kiko Pangilinan at Senator Nancy Binay.
Sa ginanap na deliberasyon sa plenaryo, sinabi ni Senador Ronald Bato Dela Rosa, isinama sa naturang panukalang batas ang tiyak na bilang ng mga tauhan ng BFP para sa SPU o Special and Protection Unit upang malimitahan ang otoridad ng BFP sa pagpapalabas ng mga baril.
Base sa napagkasunduan, tanging aarmasan lamang ng mga tauhan ng spu upang mailimita din ang hahawak ng baril sa BFP.
Sa bawat istasyon ng BFP, mayroong SPU na mayroong 14 na tauhan kasama ang dalawang team leaders na may ranggong fire inspector.
Ang mga tauhan ng SPU ay bibigyan ng handgun, body armors at body cameras kung saan sila ang magbibigay seguridad sa mga kapwa bumbero.