Lusot na sa ika-3 at huling pagbasa sa kamara ang panukalang batas na naglalayon ng modernisasyon at pagpapalakas sa Bureau of Fire Protection (BFP).
223 na mga mambabatas ang bumoto ng “yes” habang wala namang kumontra sa house bill 7406 o proposed Bureau of Fire Protection modernization act.
Layunin ng panukala na matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng pag-iwas at pag-apula sa anumang klase ng sunog sa pamamagitan ng pinalakas na BFP.
Nakapaloob din sa panukala ang karagdagang tungkulin ng BFP kung saan inaatasan itong magtatag at pangasiwaan ang mga arson laboratories, research at testing facilities sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Gayundin ang agarang pagresponde ng ahensiya sa mga natural na sakuna o gawa ng tao at iba pang emergency tulad ng rescue, emergency medical service, hazardous materials, chemical, radiological, nuclear at explosive material.
Kinakailangan na ring maglunsad ng BFP ng imformation drive at kampanya laban sa suOog kada buwan.
Inaatasan na rin ang BFP na magapalabas ng fire safety evaluation clearance bilang prerequisite sa pagkuha ng building permit.