Hati ang tugon ng mga Senador sa panawagan ng COMELEC o Commission on Elections sa Kongreso na kumilos at pagpasyahan na kung itutuloy o hindi ang Barangay at SK elections ngayong taong ito
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat nang ituloy ang halalan sa Oktubre dahil ito ay naitakda na at malabo nang matutukan ng mga mambabatas
Sa panig naman ni Senador Francis Escdero, mas mainam na huwag nang ituloy ng poll body ang pag-iimprenta ng mga balota dahil hindi na matatalakay pa ang legislation hinggil sa kung tuloy o hindi ang naturang halalan
Una rito, nagsumite na si Majority Floor Leader Tito Sotto ng panukala sa Senado para hilinging muling ipagpaliban ang Barangay at SK Elections.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno
Panukalang muling ipagpaliban ang Barangay at SK Elex muling nabuhay sa senado was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882