Posibleng maglabas na ng desisyon ang Malakanyang sa susunod na dalawang linggo kung papayagang magamit muli ang Dengvaxia.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, marami pang dapat pag usapan tulad ng kung sa pribadong sektor lamang ito papayagang ipagamit tulad ng ginawa ng Thailand, Indonesia at Singapore.
Dapat rin anyang magkaroon ng consensus building sa pagitan ng mga pabor at kontra na kapwa nagmamatigas sa kani kanilang posisyon sa isyu.
Sa ngayon, sinabi ni Duque na halos 150,000 na ang naapektuhan ng dengue o doble sa mahigit 70,000 kasong naitala noong nakaraang taon.