Ini-endorso na sa Senado ng Kamara ang panukalang nagbabawal sa hazing activities ng fraternities, sororities at iba pang organisasyon.
Layon ng House Bill 5760 na tanggalin ang hazing na naging kultura na ng mga fraternity, sorority at iba pang grupo na kadalasan ay nagre-resulta sa kamatayan.
Nakasaad sa panukala ang multang P1-3 milyong piso o anim na buwan hanggang habambuhay na pagkabilanggo bilang parusa sa mga lalabag sakaling maging batas ito.
By Judith Larino