Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa kamara ang panukalang nagbabawal sa ‘No Permit, No Exam’ sa mga estudyanteng hindi pa nakababayad ng matrikula sa pribadong paraalan.
Sa ilalim ng House Bill 6483, may karapatan ang mga eskwelahan na huwag ibigay ang clearance o transfer credential ng mga estudyante kahit hindi pa nakababayad ng tuition.
Sakop ng panukala ang lahat ng eskwelahan mula elementarya hanggang kolehiyo pati na rin ang vocational institute.
Papatawan naman ng multang 20,000 hanggang 50,000 pesos ang lalabag na educational institution. – sa panulat ni Jenn Patrolla