Isinusulong ng ACT-CIS Partylist ang mga panukalang batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga journalist.
Ito ay sa gitna ng kontrobersyal na pagsasapubliko ng pagdinig ng Maguindanao Massacre.
Sa ilalim ng House Bill 2476, isinusulong ang pagkakaroon ng minimum wage ng mga miyembro ng media depende sa karansan ng mga ito gayundin ang pagtatatag ng Commission on Press Freedom and Media Security.
Bukod dito, nakasaad din sa panukala ang pagkakaroon ng death penalty, disability at SSS/GSIS benefits at reimbursement sa mga gastusing medical ng hanggang 100,000 piso.
Umaasa naman ang partido na mabilis na malulusot ang naturang panukala.