Umaasa si Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman na maisasabatas na ang panukalang nagdedeklara sa Pebrero a-uno ng kada taon bilang National Hijab Day makaraang aprubahan ito sa House Committee on Muslim Affairs.
Layunin ng panukala na mas maunawaan ng publiko ang tradisyon at kultura ng mga muslim, partikular ang pagsusuot ng hijab.
Ayon kay Hataman, kailangang itama ang maling kaisipan sa pagsusuot ng hijab at maunawaan na ito ay simbolo ng dangal at dignidad ng mga Muslim.
Kumpyansa naman ang kongresista na sa pamamagitan ng panukala ay mamumulat ang mga mamamayan sa kahalagahan ng pagsusuot ng hijab upang labanan ang diskriminasyon sa relihiyon. – sa panulat ni Hannah Oledan