Pabor si Senator Panfilo Lacson sa panukalang batas na ibaba sa siyam mula sa labinlima ang edad ng criminal liability sa ilang kondisyon.
Ayon kay Lacson, kanya lamang susuportahan ang panukala ay kung mapapatunayan na alam at nauunawaan ng isang siyam na taong gulang ang ginawa lalo’t kung mabigat o seryoso itong krimen.
Ikalawa ay kung sususpindehin ang sentensya hanggang umabot ang bata sa age of majority at kung may sapat at mahusay na pasilidad para magbigay ng counselling at rehabilitation sa mga batang masasangkot sa krimen.
Kung mayroon lamang anyang mga ganitong nakapaloob sa bill ay maaari niya itong suportahan subalit nakabatay pa rin ang panukala sa science-based testimonies ng mga eksperto.
Samantala, inihayag naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto na noon pang panahon ni dating Manuel Quezon na siyam na taong gulang ang age of criminal responsibility.
Mayroon na anya siyang inihaing bill na ibaba sa edad na dose ang age of criminal liability gaya sa ibang bansa.