Lusot na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang “Substitute Bill” o panukalang nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakdang idaraos sa December 5, 2022 sa botong 11 ang pabor at walang tutol.
Ayon kay Committee Chairman Mountain Province Representative Maximo Dalog Jr., sa halip na gawin sa December 5, 2022 ang naturang halalan ay idaraos ito sa unang Lunes ng December 2023 at pormal na uupo sa pwesto sa January 1, 2024, ang mananalo dito.
Magugunita na una nang inihain ang halos 40 house bills sa kamara para isulong ang postponement ng eleksyon ngayong taon at pag-lipat ng petsa nito.
Samantala, iginiit naman ng Commission on Elections (COMELEC) na sakaling ipag-paliban ang BSKE ay inaasahan na magiging dagdag-gastos ito.