Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang nagtataas sa excise tax rates ng mga alcoholic drinks.
Sa botong 43 na yes at zero vote sa no lumusot ang House Bill 1026.
Nakasaad sa panukala na itaas sa 6 pesos at 60 centavos ang excise tax na ipinapataw sa mga alcoholic drinks kumpara sa kung ano ang ipinatutupad sa ilalim ng Republic Act 10351 o ang Excise Tax Reform Law on Tobacco and Alcohol.
Kapag naging batas na ang nasabing panukala, magkakaroon ng ad valorem rate na 22 percent kabilang na ang specific tax rates kada proof liter ng 30 pesos, 35 pesos, 40 pesos at 45 pesos.
Sa kasalukuyang Republic Act 10351, ang mga alak ay mayroong 22 pesos at 40 centavos na specific tax at ad valorem tax na 20 percent.
Inaprubahan din ang 650 pesos na unitary rate para sa mga sprakling wines.
Samantala, itinaas naman sa dalawang piso at sampung sentimo ang buwis sa mga still at carbonated wines habang ang may alcohol content na mas mataas sa 14 percent ay may apat na piso at sampung sentimong pagtaas.
Ang inaprubahang tax rate naman para sa fermented liquors ay itinaas sa dalawang piso at anim napung sentimo.