Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang national ID system.
Sa ilalim ng House Bill Number 5060, magagamit ang naturang ID sa lahat ng transaksyon sa gobyerno at pribadong sektor.
Kailangang magparehistro sa Philippine Statistics Authority o PSA ang lahat ng Pilipino kahit nasa labas pa ito ng bansa.
Bawal ibigay ang impormasyon na nasa ID sa sinumang third party kabilang na ang anumang government enforcement agency, maliban na lang kung pinayagan ito ng may-ari ng ID, may aksidente para makita ang medical history nito, blood type o kailangan sa kaligtasang pangkalusugan ng nakakarami at kung may court order.
By Meann Tanbio