Inaasahang maaaprubahan na ng Senado sa susunod na linggo ang panukalang national ID system.
Ayon kay Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs Chair Panfilo Lacson, inaasahang maipapasa na nila sa ikatlo at huling pagbasa ang naturang panukala.
Batay sa senate Bill Number 17-38 ang Philippine Identification System act of 2018, magkakaroon ng national ID na may panghabambuhay na ID number para sa bawat Pilipino at pati sa mga dayuhang naninirahan sa bansa.
Iginiit ni Lacson na makatutulong national ID system para bumilis ang mga transaksyon sa gobyerno dahil isang ID na lamang ang gagamitin.
(Ulat ni Cely Bueno)