Lusot na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagdedeklara sa Agosto 30 bilang “National Press Freedom Day”.
Sa botong 210 at walang tumutol sa House Bill 6922 na naglalayong kilalanin ang mahalagang gampanin at ambag ng pamamahayag sa kamalayan ng mamamayan sa press freedom.
Isinabay ang National Press Freedom Day sa kaarawan ni Marcelo H. Del Pilar na kilala rin bilang Plaridel na siyang ama ng Philippine Journalism.
Isang tanyag din na mamamahayag si Del Pilar at founder ng diaryong tagalog kung saan ibinunyag niya ang iba’t ibang panggigipit at pagmamalabis na naranasan ng mga Pinoy sa kamay ng mga Espanyol.
Posted by: Robert Eugenio