Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang nagsusulong ng pagbibigay ng night differential pay sa mga kawani ng gobyerno.
Sa ilalim ng Senate Bill Number 643, bibigyan ng night differential ang mga government employees na nagtatrabaho sa labas ng regular na oras.
Ayon kay Senador Bong Revilla Jr, overtime pay lamang ang natatanggap ng mga ito at kailangang mabigyan ng ganitong klase ng benepisyo ang mga naturang empleyado.
Hindi naman sakop ng batas ang mga empleyadong nasa ilalim ng Republic Act no 7305 o Magna Carta of Public Health Workers.
Nagsumite ng kani kaniyang amyenda ang mga senador bago nakalusot ang naturang panukala.