Nakarating na sa Senado ang panukalang batas na nagtatakdang magbigay ng night shift differential pay sa mga government employees.
Ayon kay Senador Bong Revilla, ang pagbibigay nito ay bilang pagkilala sa mga empleyadong nagtatrabaho kahit hindi sa regular na oras.
Sa ilalim ng panukalang batas, magkakaroon ng night differential na nagkakahalaga ng 20% ng bayad kada oras ang mga kawani ng gobyerno na nagtatrabaho sa pagitan ng alas sais ng gabi hanggang alas sais ng umaga.
Hindi na kasama dito ang mga public health workers na at mga kawani na kailangan ang serbisyo 24 oras katulad na lamang ng unipormadong hanay.